Saturday, June 04, 2005

S2C2

6/1/05
11:20 a.m.

eto muna ang kacornihan ko..

S2C2
>barkadang binubuo ng 19 katao
>nabuo sa silid-aralang II-St. Thomas of Villanova
>ang maysala nito ay ang Credit Union subject ni Ms. Secillano
>astig na barkadahan
>minsan nang kinatakutan
>pag inaway mo’ko, pusta, resbakan..joke.



sige na.. seryoso na…
Shuvaroo Shishininishishi Clan Chacha…

Yan ang barkada ko! Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito? “Chacha” =nickname ni Sheena Su… “Shuvaroo” =ang alam ko, it means “walang kwenta.” Definitely hindi walang kwenta ang barkadang ito. Magkakamatayan tayo.

Ano ang ibig sabihin ng Shishininishishi? Ewan ko. Hindi ko alam. Tulad ng sitwasyon naming ngayon. Hindi ko alam. Buo pa nga ba ang s2c2?

---------------------------------------------------

Meron pang s2c2. Pero wala na ANG s2c2. Gets? Meron pa. nandyan pa yung karamihan ng III-St. Clare at yung ibang St. Rita na s2. Pero wala na ang dating s2. Yung s2 na masaya. Yung s2 na maingay. Yung s2 na ang daming pakulo. Yung s2 na halos isang klase na sa dami.

S2 pa naman kami eh. Pero siguro sa pangalan na lang sa ngayon. Minsan, punta sa open forum, o kaya sa school activities magkakasama kami. Yung tipong, “Oi, s2 ako.” Pero maya-maya iba naman yung kasamang barkada.

---------------------------------------------------

Siguro hindi naman s2 sa pangalan lang. Pati na rin sa puso. Pero ang puso hanggang damdamin lang. Walang nangyayari hanggang hindi inaaksyunan. S2c2 sa puso. Yun na. miss na miss mo na sila, pero wala ka namang ginagawa. Gusto mo silang makasama, pero wala ka nang oras para pagtuunan ng pansin pa. Gusto mo nang matatakbo sa piling nila, pero ano? Nandun ka sa piling ng iba mo pang barkada.

---------------------------------------------------

Siguro, iisipin mo, ang kapal ng mukha kong manumbat. Ako mismo sumama na sa ibang barkada (“kami” pala). At wala rin akong ginagawa. O nagagawa.

Nasa kanila pa rin ako dahil…dahil…ewan. Mahal ko sila, pero minsan parang gusto kong magalit sa kanila, kung bakit hindi ko sila maiwan. Siguro nga dahil kaibigan ko din sila. Walang iwanan. Kailangan nila kami, at kailangang magsakripisyo.

Ang sitwasyon ko ngayon ay parang…alam nyo yung ”The One You Love” ni Glenn Frey. Remember? Yung hinihirit natin noon pag may inaasar tayong …”love team”? (Hindi kasi alam nung iba sa’tin yung title at lyrics, hanggang intro lang naman yung hinihirit natin eh). Eto yung chorus nya: (ok, corny!!!!) “Are you gonna stay with the one who loves you, or are you going back to the one you love? Someone’s gonna cry when they know they’ve lost you, and someone’s gonna thank the stars above.” Natatakot ako na masaktan sila. Natatakot din ako na baka pagbalik naming sa inyo, baka magalit pa kayo sa mga stars na ‘yon, dahil sa dami ng pagbabago.


-----------------------------------------------

Ok. Wag na nating isipin “ako.” “Tayo” naman. Pano na? Hoy!!Guyz ano ba?? Tokwa! Isang taon na lang ‘to eh. Wala pa bang mangyayari? Nararapat pa nga bang umasa?

Malabo na nga talaga. Minsan, naiisip ko, pinaka-todo natin yung sisi kay Ma’am Quijano. Parang gusto nating magmaang-maangan sa mga pagkukulang natin. “Eh kasi naman siya yung naghati nang hating-hati sa section ng s2.” Eh ano ngayon? Bakit yung Anime girls, Gilid boys, TNT, U-10…diba nagsimula silang hiwa-hiwalay ng section? Kung totoo ang pagkakaibigan, ba’t tayo, hindi ba natin kaya?

Ok. Alam kong maraming problema. At marami na rin akong hindi alam. Minsan nagiging tanga. O kaya nagtatanga-tangahan na lang sa mga pangayayri para hindi masaktan. Pero pwede pa naman siguro nating ma-solutionan, diba?

----------------------------------------------

So ano? Tuwing February 12 na lang ba tayo magiging kumpleto at magkakasama-sama? Feb12 na hindi pa sinisiputan at pino-postpone pa ang celebration at may mga nagrereklamo pang mga syota? Kayo bahala. Ako bahala. BAHALA NA.


12:30 p.m.
/mich=’(


Image hosted by Photobucket.com
feb12,2004...mauulit pa kaya 'to?

Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
feb12,2005...may banner nga, hindi naman kumpleto.

-----------------------------------------------
******* Anniversary ng s2 ang July 18. At “S2C2 Day” naman pag February 12. Mga masasayang araw. Ang anniversary ko naman nang nakasama ko kayo ay December 1.
First anniversary ko nung field trip natin. Alam kong hindi tayo magkakasama-sama lahat sa araw na ‘yon, pero yun pa rin yung pinaka-hihiling kong regalo para sa okasyon na ‘yon. November 31, wala si Millay at Ferdz, at pinatawag sila Jewel at Clair sa CO. So nag-iisa ako, pinuntahan ko kayo sa covered walk. Labinlimang minuto, nakasama ko kayo. Maikling panahon. Pero ang alam nyo, ang saya-saya ko na non.*******

mich=')

0 Comments:

Post a Comment

<< Home