Wednesday, June 29, 2005

meeting de avance

yung dapat na speech ko, kaninang madaling araw ko lang din ginawa. napakaiksi pa. pero nung mismong meeting de avance na... maraming nangyaring di inaasahan. kahit si mamatt nga nakabuo ng napakahaba at nakakapangunsensyang sasabihin. yung mga elementary kasi, puro C.H.A.R.L.E.Y. ang sinisigaw.

kaya ayun... when our party started out with a passage from the Bible, naiyak ako. yung mga kapartido ko naman, naiyak din! tapos nung tapos na akong umiyak, sila umiiyak pa rin! hehe!

kaya habang naghihintay na matapos ang kabila, tambay muna sa 3rd floor at sa library. at nakabuo ako ng mas matino at mas may sense na sasabihin...


"Una, gusto kong magpasalamat sa mga buong-buong sumusuporta sa party namin, ang A.S.T.I.G. Party. ASTIG KAYO!!! \m/ [==> with matching "rock on!" gesture. hehe]

Consolinian kayo. Consolinian tayo. MAY ISIP TAYO. sana hindi tayo basta-bastang nagpapadala sa mga...pang-uuto, sabi-sabi, at sa mga ipinamimigay at ipinapaskil. Sana isipin natin na ang pagiging CSG officer ay hindi sa pasikatan, pagandahan, payamanan, o patagalan sa posisyon
[==> ang original ko sanang sasabihin ay "yung mga inaamag na sa elections at sa CSG," buti na lang napigilan ako ni arra. at buti na lang napigilan ko ang sarili ko.].

Sana sa pagboto natin, isipin natin kung ang iboboto ba natin ay yung tunay na mamahalin ang katungkulan at trabaho nila, at hindi yung mga gagamitin ang pagkapanalo nila BILANG DEKORASYON LAMANG.


CONSOLINIAN, MAG-ISIP PO TAYO. Salamat po."


after 10 minutes, naginginig pa rin kamay ko! grabe talaga! kahit hanggang pag-uwi ko, hindi ako makapaniwalang nagawa at nasabi ko yun! ni hindi nga ako nautal! at sa harap pa yun ng buong laco ha!

mich=) \m/

0 Comments:

Post a Comment

<< Home