Saturday, October 15, 2005

christian conscience

pasintabi na lang ha.. medyo sensitibo...


nakaka-guilty.


friday morning, 5:30 am na ako natulog. nilamay ko yung powerpoint namin sa economics.

latest news sa village: friday morning, 5am, may ni-rape sa bakanteng bahay sa tabi namin. as in yung katabi talaga naming bahay. yung mismong scene, mga 8 meters lang ang layo sa akin.

pucha, may narinig ako noong sigaw eh, hindi ko lang inintindi. sanay na kasi ako na kahit madaling araw, may dumadaan pa sa kalye, nagkukuwentuhan, nagtatawanan, naghaharutan. walang pumasok sa isip ko na may iba na palang nangyayari. at wala na rin akong pakialam sa mundo nong oras na yon, dahil gusto ko nang matulog pero restart ako ng restart ng pc dahil hang ng hang at nabubura yung ginagawa ko.

kung naging mapagmasid lang ako sa paligid ko... kitang kita yung place mula sa bintana pag umakyat ako sa upuan.

pero wala akong nagawa.

yun ang iniisip ko hanggang ngayon.

buti nga hindi sya pinatay, kundi... bukod sa magkakaron na ng multo doon at nakakatakot nang magstay dito sa sala, eh buong buhay ko yun dadalhin at pagsisisihan.

ang christian conscience nga naman.lakas ng impluwensya ni sir geo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home