Sunday, December 04, 2005

anniv ko nga pala sa s2 nung Dec.1...

s2c2

Napakasayang mga araw

Akala’y di na papanaw
Pinalagpas at lumuwag ang saklaw
Mundo’y sa ligaya lamang pinagalaw.

Nandito na si kamatayan
Hindi na mapipigilan
Kaluluwa ng puso ay isinama
Lahat ay nawalan na ng halaga.

Isip na lamang ang ginamit
Katotohanan ay ayaw nang harapin
Nagbulag-bulagan na
At nagsuot na lamang ng maskara.

Panahon ay pinalipas
Hindi pa rin naligtas
Nananabik ngunit walang magawa
Kundi manalangin at umasa.

Nalalapit na araw ng paglisan
Hindi na ito mapipigilan
Bato na ang damdamin
“Alaala ng samahan ay aanhin?”

12/4/2005

12:35-12:49 a.m.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home