Thursday, June 30, 2005

halalan

talo ako. T-A-L-O. oo na, katawa-tawa. pero hindi ko pa rin pinagsisisihang tumakbo ako. dahil napakagandang experience noon. marami akong nagawa na hindi ko dati nagagawa. kumausap ng ibang taong di ko kakilala. magpaka-feeling close (in a good way). at nagkaron ako ng mga bagong kaibigan. i even did things which were not expected of me (ang magsalita sa harap ng buong laco!). definitely di ko malilimutan ito.

hindi ako nanghihinayang sa pagod, puyat, oras, at sa kahihiyan ng pagsasayaw ng bop it (imagine!). hahah. ang sayang nga lang eh yung gastos, dahil yung savings ko for 3 weeks ay naubos. pero worth it naman in a way, dahil nanalo sina matthew at millay. mula naman kasi sa umpisa, nang malaman ko kung sino ang kalaban ko (di ko na babanggitin kung sino), alam ko nang talo ako. pinanindigan ko na lang din. ibinuhos ko ang lahat para na rin sa kanilang dalawa.

mas lalo akong hindi nagsisisi dahil may bago akong natutunan sa buhay. ANG LUMABAN KAHIT NA ALAM MONG TALO KA NA. lagi ko 'tong naririnig, pero 'di ko iniintindi. ngayon ko lang talaga ito lubusang natutunan. at least nga naman, natalo ako nang lumalaban. kinareer ko nga eh. at least, nung natalo ako kanina, walang "what if's" na naglalaro sa isip ko. hindi ko iisipin na pano kaya kung itinodo ko ang lahat.

tama naman ako, 'di ba?! kaya ang masasabi ko, kahit talo ako, ASTIG PA RIN AKO!!!

mich\m/

0 Comments:

Post a Comment

<< Home