Friday, December 16, 2005

ang saya ng araw ng xmas party! ...NOT.

anak ng... christmas party na kahapon, pero ano? nagpapakahirap pa rin ako sa lintik na script ng movie na yan! gawa na ni joni yung script, kaso tagalog. pero mahirap pa ring i-tranlate at i-edit; ang haba na, kailangan pa ring baguhin yung ibang part, at kailangang magdagdag ng ibang scenes...

gising ako hanggang 4 a.m. kahapon sa paggawa non, pero hindi ko pa rin natapos. pumasok na tuloy ako ng mga 9.. ipapakiusap ko na lang sana kay mam boni dahil tapos naman na talaga yung script, hindi nga lang english. kaso ayaw. kailangan daw within that day mapasa ko nang kumpleto. arte. reregaluhan ko pa naman sana sya kung pumayag sya. malas nya. pero mas malas pa rin ako...

sabi nya hanggang 7 p.m. andun sya, christmas party kasi ng teachers. kaya eto ako, pagkauwi, gumawa agad. nagmamadaling matapos. wala nakong pakialam sa grammar, kung may typo, o kung may sense pa ba yung gawa ko. basta matapos na lang. pero 6 p.m. na 13 pages pa ang natitira. pero kailangan na syempreng mapasa, kaya eto, takbo sa school... pagdating ko, asan sya? wala. UMUWI NA. nandon si mam q, sabi nya iwan na lang daw sa guard dahil babalik pa sila ikabukasan. de sige, kung tatanggapin pa nya...

papayag ba'kong incomplete yung pinasa ko? syempre, hindi! tinapos ko kagabi yung 13 pages, ihinabol ko bago dumating yung teachers sa school kaninang umaga. kaso ang problema, ayaw akong samahan ng daddy ko. mommy ko naman hindi ako maihahatid pauwi dahil papasok na sya. eh sympre ayaw nila, as in IPINAGBABAWAL nila na lumakad ako mag-isa. kaya ayun, pagkagaling sa school, napilitan akong sumama sa office ng mommy ko. biruin nyo, napilitan pa'kong pumunta ng maynila dahil lang sa script na yan?

well, at least ngayon, wala na akong gagawin buong bakasyon. kaso nga lang hindi ko alam kung tinanggap ba ni mam bonifacio yung script. o baka tagain nya ko dahil hindi nya yun natanggap nang december 15?

bahala na. kaso may problema pa rin pala...kung yung script lang nagkanda-siyam-siyam na ang buhay ko, pano pa kaya yung pagshoot ng mismong movie?!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home