Monday, January 23, 2006

retreat

grabe, ang tagal kong di nag-OL ah...4 days (oo, matagal na yun para sa'kin). kasi nga kagagaling lang sa retreat. ayon nga kay Sr. Oliv, iwasan ang internet. hehe.

masaya yung retreat. hindi lang "finding God," kundi "finding yourself." mas nakilala at na-appreciate ko ang sarili ko.

masaya. though yung ibang session hindi tumagos sa'kin. medyo bato pa rin ako. saka hindi ako nakapag-share nang mabuti nung gabi.

kung gulo part naman, ok din. for the first time, natulog ako away from home and from my parents. feeling ko ang independent ko (kahit isang gabi lang). ano ba yan, nami-miss ko na yung kama ko dun! actually yung buong room, pati CR. ang alaala ng aking pagdurusa (isipin mo: maliligo ka, 5 a.m., malamig na tubig, tagaytay.). kaso 3 hours lang naman ang itinulog ko dun sa room. ang ingay kasi nila. 4 a.m., gising PA sila. lalo na yung sina mickey at ria sa kabilang kwarto, ang tibay. wala nang tulog, naligo pa ng 4 a.m.

just when i thought na "hindi ako mapapaiyak ng madreng 'to, hindi ako iiyak ngayon." aba, anak ng... hagulgol to the maxx! yung sa passage na nabunot ko, sandali lang ako naiyak. pero nung bigayan ng letters at yakapan ng classmates, fuchsia, ayan na! hindi lang hagulgol, pati mukha ko lukot na sa expressions. pag naiimagine ko nga hitsura ko nun habang umiiyak ako, tawa ako nang tawa. haha.

pero di nga, sa lahat ng recollection simula 1st year, ito ang the best. hindi dahil 4th year na'ko. hindi dahil huli na 'to. hindi dahil masarap ang pagkain (well, isa na rin yun sa mga dahilan). pero dahil, grabe na-touch ang puso ko. ang dami kong na-realize. at ang dami kong pinagbago.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home