Wednesday, June 14, 2006

Buhay pa naman...

I survived my first day in college... *whew!*
And, I got my new glasses na kanina! *yay!*
Photobucket - Video and Image Hosting
^^^3.00 yan pare!!!^^^

Tuesday, June 13, 2006

Let's do the FIRST DAY HIGH!!!

First Day of school na tomorrow. Ooh, college. Scared?! Helluvah. Shempre. Sobra.

Ano nga palang first day high ko bukas?! Hmmm... Brainy rebel na lang siguro.

Oopsie....

Oh dear, sorry for my post last night. Grabe ang babaw ko. Shopping lang eh, ang haba na ng sinabi ko (Pero shempre di ko buburahin yun, ang haba nga eh. Todo-iffurt. Hahaha).

Maybe I was just so psyched about preparing for college that I got carried away.
…or maybe it really was the bags. Hehehe.

Monday, June 12, 2006

Getting ready for college

NOTE: Dahil sadyang bangag ang PC ko tuwing nagpopost ako, todo F for effort ako ngayon sa paggamit ng aking nalalaman sa HTML. Naks, magagamit ko na rin ang mga natutunan namin kay Sir Chua. Ay teka, wala pala akong natutunan dun. Naks, magagamit ko na rin ang mga nabasa ko sa textbook namin sa HTML. Ayun. Ayus.

Kanina, we went shopping for school stuff. The shoes I picked were okay naman. Though medyo pasaway dahil high heels, eh it was stated dun sa design ng uniform naming na bawal high heels. Haha, uniform pa lang, pasaway na.

What I noticed when we were checking out the shoes there was that nawawala yung fashion sense ko. Haha, I was confused kung anong klaseng shoes ba dapat, ‘coz I’ll be in college na, pero dapat mala-school shoes pa rin para di OA, pero dapat parang pang-office since pants nga yung unif ko. Haha, hanggang ngayon nga di ko pa rin alam kung bagay ba yung nabili ko. Pero okay na rin.

Here’s my fave part: THE BAGS! Did I tell you that I go gaga over bags (besides earrings)?! I think every girl does, pero medyo malala ako eh. Kaya hindi ako mapagkatiwalaan ng credit card eh. Hahaha…

Anyway, yun nga, I needed a bag na mas maliit (college na nga eh!), though dapat malaki pa rin para sa gamit sa school (Millay said those are called “tote” bags. Dunno the spelling. Haha, ang manang ko na talaga.). hehe, mamatahin mo ang Department Store sa RobNova, but they have great clothes and bags there (and hindi pa crowded yung place). Lalo na yung bags. Grabe. Cooler than the bags at SM.

Shempre kontra si Mommy sa bags na gusto ko. Haha. Either mahal o di daw bagay sakin o dun sa kulay ng unif ko. Langya, nung elementary at high school hala bira lang sa bag at mga gamit eh. Walang pake kung kakagat yung kulay sa unif. Kahit rainbow-colored pa nga eh.
After an hour or so, ayun, nakapili rin kami. 2 flesh, 1 black. Then I saw this really cute bag, though di pwedeng pang-school. Shempre pinagpipilitan ko okay mudra, kahit ako na magbayad. She said if I buy that bag, 2 na lang bibilhin niya. Kaya ayun, iniwan ko na lang. :( Tapos nung nakapila na siya sa counter umalis ako at binalikan ko yung bag. Binayaran ko dun sa malayong counter. Hehe. ;) Edi 4 bags na. Yehey! (OMG, I am such a bag addict.)

After that we went to SM (katapat lang naman eh), sa National Bookstore. Wow, iba yung feeling, excited na weirded out. Shempre wala nang notebooks. Filler na lang (ang astig nung binder na nabili ko, spoofs sa grammar and advertisements). Tapos yellow pad (ayon sa expert na payo ni Ate Nic. Hehe) na lang.

Kakaiba yung feeling kasi ganun-ganun na lang. Dati-rati ang tagal ko pumili ng designs nung notebooks ko. Tapos may 1 whole, ½ lengthwise & crosswise, at ¼ pad pa. Then gagalugarin pa namin buong National sa pagbili ng bagong supplies (black & red pen, pentel, scissors, glue, scotch tape, crayons, etc.). parang ang saya pero nakaka-miss. Tapos tipong aabutin ng P1000 yung babayaran ni Mommy. Eh kanina wala pa ngang P200 yung nagastos. Tapos mga 15 o 20 minutes nga lang nilagi namin dun, samantalang dati inaabot kami ng ilang oras (Haha, 20 minutes sa school supplies, 2 hours sa shopping. Hehehe).

Grabe, ang dami talagang nagbago ngayong magka-college na! At umpisa pa lang ’to ha.

Haha, na-realize ko lang, ligaya lang palang dulot ng mga bag ang makakakapagbalik ng gana ko sa pagpopost. Haha.

Sunday, June 11, 2006

High School Surveys... Hay... Kaka-miss ang hayskul...

(2 times kong sinagutan 'tong mga survey sa friendster... nung June 5 tapos nung 11... harharr yan, inatake ako ng nostalgia...)
Sino ka sa classroom??
ikw ba ung..

1) nerd
- medyo

2) weird
- sobra

3) friend ng lahat
- di naman ng lahat

4) source ng lahat ng answers (assignments,quizes, exams, etc.)
- minsan lang siguro

5) secretary (e.g. taga-sulat ng lecture sa board pag tamad c ma'am)
- nope...pangit ng sulat ko eh... trabaho na ni millay yun. haha

6) patawa sa classroom
- di naman...sa mga katabi ko lang siguro... trabaho na kasi ng alaska society yun (eddie, matt, & co.)...

7) mr/ms. antukin
- oo! lalo na pag physics, kahit anong pigil ko,makakatulog at makakatulog ako..

8) grade-concious
- may pagka-...pero minsan nakakasawa, wala nakong pakialam...

9) may sariling mundo (e.g. gs2 ngumuwi ng lht dhl ala p c ma'am, pro gs2 png maiwan s classroom at hi2ntayn dw c ma'am kht anong mngyri)
- oo, masyadong pakabait! hahaha... mamya kasi late lang na naman, baka umusok ilong nun...

10) tahimik (nasa 1st to 2nd row)
- oo...madalas

11) madaldal (nasa 3rd and so forth row)
- minsan... pag uber boring na ng buhay

12) source ng mga walang ballpen andpaper
- ms. national bookstore.

13) sipsip kay ma'am
- nope. gawain lang ni blue moon yun.

14) walang paki kay ma'am
- sa iba lang. pag wala syang paki sa mga estudyante nya, edi wala na rin akong paki sa kanya...

15) laging nakakasagot sa recitation
- di naman

16) walang bitbit sa classroom kundi angsarili
- di ko ugali yung ganun

16) black sheep sa classroom (laging napapagalitan ni ma'am)
- nope

17) muse/escort
- duh...nope. treasurer lang. $$$$.$$
** *********** *******
1.saan ka naghayskul?
>La Consolacion College-De... Dep... Depa............... oo na, sa DEPARO!

2.teachers enemy ka ba?
>di naman

3.anong kulay ng bolpeng lagi mong ginagamit?
>black...official color ng ballpen sa laco

4.parasite ka ba?
>minsan lang naman.... hmmm... ay, professional parasite pala ako pag physics.

5.nangongopya ka ba?
>bakit ikaw hindi?!

6.nagpapakopya k ba?
>oo. give and take yan eh.

7.nagdadala ka ba ng sarili mong papel?
>oo...pero minsan nauubusan ako, o kaya tinatamad akong kunin sa locker, kaya nanghihingi na lang ako

8.nasa top 10 ka ba ng klase?
>yup

9.sino ang pinakaayaw mong teacher?
>yung babaeng maitim ang kilikili...hahaha
saka si carrot.

10.e pinaka-favorite?
>ma'am del mundo...sir gultiano...

11.pinakaayaw mong klasmeyt?
>blue moon...

12. pinakahighest mong subject?
>trigo saka math

14.sino ang crush mo during those days?
>sikreto. pero nawala na rin. buti na lang.

15.ano ang theme song mo sa section mo?
>next in line...saka september saka narda...

16.fave events?
>field demo! saka prom! saka yung kundiman chuva... pati na rin yung battle nung 3rd year at concert nung 4th year...

17.saan ang paborito mong sulok sa classroom?
>dun sa may platform... malapit sa blackboard... saka shempre dun din sa lababo...

18. natutulog ka ba sa klase?
>oo naman. may physics eh.

19.favorite mo ba ang PE?
>di naman

20.may swimming pool ba kayo sa skul?
>oo! maliit lang, tapos kulay black at maraming basura....ay teka imburnal pala yun..
22.basketball court?
>meron naman. napilitan silang gumastos.

23. naisip mo na bang sunugin ang skul niyo?
>OO! pati yung mga madre...hehe

24.nagprom ba kayo?
>sa holiday inn! soshal!

25. may nakaaway ka bang teacher?
>wala naman... staff lang...yung sa finance...

26. ano ang pinakamamimiss mo sa hyskuL??
>syempre yung araw-araw na kasama ko mga kaibigan ko... saka.........basta lahat-lahat sa hayskul

27. worst kalokohan noong hayskul?
>yung draw and label the motherboard (?!) nung exam sa computer... pinahiram ko kay tata yung copy ko sa notebook ko tapos kumopya si macam kay tata tapos hiniram ko yung test paper ni macam. *bow*

28.greatest regret?
>sana talaga nag-math club na lang ako. president na sana... sayang yung service award. sayang yung medal. haha

29. if given the chance, babalikan mo pa ba hayskul?
>basta ba makakasama ko uli yung mga batchmates ko eh! SHEMPRE OO!!!

30. anu-ano sections mo nung HS?
>St. Dominic, St. Thomas, St. Rita, Our Lady of Consolation
** *********** *******
Paboritong staff ng school:
- si ate fat at ate swan

Di masyadong paborito:
- yung matandang gwardya.. saka yung librarian na feeling may-ari ng library... saka si carrot... at syempre walang tatalo kay SISTER SONY!!!

Anong palatandaan ng locker mo?
- walang hawakan. yun. start pa lang ng schoolyear ganun na yun tapos ba naman nung pirmahanng clearance pinabayaran sakin ng finance!(ayun! dagdag ko sa taas yung mga taga-finance! hindi na nga inayos locker ko nung nagreklamo ako dati, tapos maniningil pa sila!)

Paboritong tambayan:
- classroom... covered walk... canteen... waiting shed... corridor... dulo ng 3rd floor...

Paboriton inumin na nabibili sa canteen:
- mineral... saka yung mga softdrinks sa bote... dalandan soda fave ko...

Pinaka nakakaantok na subject:
- physics.

Paboritong nguyain pag may klase:
- candy..

Pinaka paboritong kubeta:
- yung sa first floor. yun lang ang nililinis nung janitress eh.

Pinakamahirap na subject:
- physics...yung teacher kasi eh.... coop medyo...kasi puro memorization...

Pinakamadali:
- math, trigo, computer, pehm...

Pinakamasayang subject:
- coop...boring yung subject, pero super saya nung teacher...go sir mags!

Pinakatahimik:
- trigo and math. si quinones kasi eh.

Pinakamaraming ginagawa:
- rve. hindi nakukuntento sa isang project lang.

Pinaka kulelat ka:
- langya yan... physics! panira yan sa card...

Tawag sayo ng teacher:
- michelle. o de luna... si sir mags tawagin daw ba akong abigail, minsan camille (ganun na talaga kami magkamukha ni millay?!)... nice, si ma'am payumo nakiki-mich din...hehe

Ilang beses ka nagtataopn ng basura:
- pag breaktime. o kaya pag uwian na lang.

Tatak ng T-square:
- di kami gumagamit nun

Pinaka nakakainis na room:-
yung CR sa third floor. HANGBAHOOO!!!!!

Paboritong laro sa Visual boy advance:
- ano yun?!

Anung kulay ng pantalon mo kung lalake at haba ng palda kung babae:
- navy blue both sa girls at sa boys.. dapat yung haba ng palda 3 inches below the knee, pero di rin naman namin sinusunod... super haba ng mga palda nung iba, yung iba ang ikli naman, haha

Kulay ng Jogging Pants:
- dark blue na may 3 white stripes

Pinakamalamig na lugar sa school parasayo?
- yung comp lab, aircon eh..hehe... saka sa taas nung bundok, lalo na pag mahangin...

Ilang beses kana sinasakitan ng tiyan pag tinatamad ka mag klase:
- la pa naman

Paboritong ulam sa canteen:
- ung kare-kare... d' best yung bagoong. hehehe

Pinakayaw mong ulam sa school:
- yung sinigang... at yung pansit na isang subo lang. hehe. ay hindi pala ulam yun.

Madalas maubos sa canteen:
-gulay. mas mura kasi eh. saka yung fried foods...

Ilang academic warning natatangap moevery quarter:
- none

Bilang ng guidance slip mo sa schoolnoong:
1st year: --- 0
2nd year: --- 0
3rd year: --- 0
4th year: --- 0

Unang nakilala mo sa school:
- si elizabeth niegas.....teka, nasan na nga pala yung babaeng yun?!

Unang nakaaway mo:
- di ko na maalala

Unang nakopyahan mo:
- si nicole yata...nung 2nd year na yun... (mabait kasi ako nung 1st year..)

Pinakaunang section mo sa pagpasok mo sa LCC-D:
- 1st year - St. Dominic de Savio
Huli:
- 4th year - Our Lady of Consolation

Mga klasmeyt mo na ayaw kang tantanan hanggang graduation kasama mo pa:
- mga kaibigan ko...shempre.. si millay, ayun katabi ko...nakipagpalit akong upuan kay rona...

Saan ka nakaupo sa klase:
- 2nd row sa kanan... bandang aisle

Madalas kausap sa klase:
- francin at popong... tapos sa likuran sila millay,candidz, macam....
** *********** *******
1. Inaaway mo ba yung guard sa gate niyo pag dika pinapapasok?
`` di naman... inuuto ko lang.... pano kilalang-kilala nako ng mga yun... halos araw-araw ba naman tawagan ng tatay ko mga yun....

2. Lagi ka bang nalelate?
`` never ako nalate nung 1styr-3rdyear...nung 4thyear naman nasobrahan ako sa late. haha. buti na lang minsan lang ako abutin nung pagbigay ng tardy slip. hehehe

3. Complete uniform ka ba lagi?
`` yup. pero minsan pag PE di ako nagwa-white shoes

4. Sumusunod ka ba lagi sa mga school rules?
`` hmm medyo.

5. Kumakanta ka ba ng Pambansang Awit at School Hymn?
`` minsan. pagtrip-trip namin nila sheena

6. Active ka ba sa klase?
`` konti lang.

7. Mababa ba ang IQ mo o mataas?
`` tama lang

8. Nakikipagdaldalan ka ba habang naglelesson ang teacher?
`` minsan. depende kung siguro sa topic. o depende sa teacher.

9. Hinaharass mo ba ang mga teacher niyo?
`` hindi ah.

10. Napapunta ka na ba sa prefect of discipline's office dahil sa kabalbalan?
`` di naman. office of the principal agad ako. hahaha bigat. buti na lang pangaral lang inabot namin ni millay kay sister ed. tapos ba naman w/ matching "why are you speaking in filipino?! i asked you in english, answer me back in english! you know the kindergarten, when i talk to them, they speak in english!!!" ampness yan. buti na lang madre siya, kundi......haha

11. Napahiya ka na ba sa klase?
`` minsan minsan

12. Napahiya ka na ba ng teacher sa klase?
`` oo... lalo na yang #1 fan ni hitler...

13. Gumagawa ka ba ng assignments o copya
`` madalas gumagawa... pero pag kulang na sa time o tinatamad, nakikikopya na lang

14. Kumakain ka ba tuwing break?
`` pag recess? di maxado. nauubos yung time sa pagkopya ng notes sa trigo o paggawa ng assignment. lunch na lang talaga.

15. Ano ang first line ng School Hymn ninyo?
`` "Through the years, the standard of you....." yak, corny. mas ok pa yung song of loyalty eh. lam mo bang nung practice ng graduation lang namin nalaman na may school hymn pala...?!

16. Naging medalist ka na ba?
`` hee hee

17. Nangotong ka na ba sa kaklase m?
`` hehe, treasurer eh....hahaha. joke. abunado pa nga ako minsan eh.

18. Natutulog ka ba sa klase?
`` pag physics

19. Pumapasok ka ba sa ibang room kahit na mayklase sila?
`` hindi

20. Gusto mo ba ang mga patakaran ninyo sanyong eskwelahan?
``hindi lahat

21. Nagtetext ka ba habang nagkaklasekayo?
`` hindi

22. Nagdadala ka ba ng mga pagkain saroomniyo?
`` minsan lang yun eh..

23. Ano ang pinakamahirap na subjectpara saiyo?
`` physics... saka coop kasi puro memorization...

24. Natawag mo na bang "sir" ang ma'am nyo, at "ma'am" ang sir niyo?
`` oo. ahehe.

25. Ano ang pangalan ng eskuwelahan mo?
`` La Consolacion College - DEPARO (c'mon! be proud! hehehe *barf*)

26. Naaksidente ka na ba sa school? anongklaseng aksidente?
`` mga dapa, talisod, plakda...
ay! nung december, nung nagdedecorate kami nila beyei ng bboard ng courier tapos tinali nila yung kahoy na may net na cover... tapos nung nagdidikit ako, natanggal sa pagkakatali! ayun, tumama yung kahoy sa ulo ko... hilo ako nun..
haha saka nga pala nung tinamaan ako ni eddie ng volleyball sa ano! grabe sakit non... saka madalas din akong tamaan ng bola sa ulo...ampness, ball magnet...
27. Ano ang laging kinakain mongpagkain sa canteen?
`` rice, ulam, veggies... chichiria...candies...

28. in general, love mo high school?
`` YEP! SOBRA!!!

Saturday, May 20, 2006

Soapdish @ RobNova

(Ngayong June 12 ko lang mapa-publish dahil ngayon lang ako ginanahan mag-HTML. Haha.)


I watched Soapdish and Protein Shake’s mall tour at Robinsons Novaliches this afternoon. Wala lang. nakaka-hyper. Sobra. Ang saya. Both bands were good naman. Hyper ni Kuya David (PS). And Kuya Jep’s (SD) “da moves” were really funny. Haha.


Uber nice talaga ng Soapdish. Super. Accommodating saka ang kukulit. Saya kasama. Hehe. Pasensyoso rin kahit uber kulit ko na yatang bata. (Sorry po! Hehe! Peace.)

*Kuya Jeff posed while i took his pic with his red hair (ang cute talaga ng ganung hair, nakakatuwa. Hehe.) Nahawakan ko pa nga eh. ‘Steg. Hehe.

*Kuya/Tatay Pei was, uhmm… Haha, o sige, kunyari nice na rin. Kulit kasi eh. Yan napuruhan tuloy ng palo. Bwahahahaha! Nagpapahabol pa ang loko. The whole time, pag nakakaharap o nakakatabi ko siya, reflex ko na na paluin siya ng poster. Haha (pinagalitan ako ni mudra dahil dun).

*Kuya Cesar was... hehehe... *blush* super nice din. Though tahimik nga lang. sabi nga ni Mommy para daw seminarista kasi mukhang ang bait. Hehe. Uyyy, he remembers me pa from Laco! Hee hee… Yikee...*blush uli*

*Kuya Kurt is a camera freak pala like me! Hehehe… Lagi palang may camerang baon, hilig kumuha ng pics. A guy there said something like magkamukha daw kami or parang magkapatid lang daw… Hehe. Nice.

Ang saya, bukod sa autograph and pics, I got to hug not only Kuya Kurt *teddy hug*(as I promised na gagawin ko talaga pag nakita ko siya [too bad nakalimutan kong kurutin pisngi niya. Dibale next time] hehe), but also the rest of the band (hehe, naka-SM ako, [simpleng manyak, you innocent little girl]). Well, except for Kuya Cesar. Hehe, hiya ako eh… *blush*

Thursday, April 13, 2006

Bakit May Mga Tanga sa Mundong Ibabaw?

Magdalena Misadventures
nagpunta kami kahapon ng magdalena, laguna, kasama parents ko(malamang), si millay, marie, at mama nila... tapos nandun din nga pala yung tito ko, pinsan ko, and yung in-laws ng tito ko (as in buong angkan nila ng mendoza..harhar)...
kaso nakakatamad ikuwento lahat...

eto na lang ikukuwento ko:

kasi may procession nung poon ng mga Orilla (angkan ng daddy ko sa side ng lola ko)... e hindi na kami sumabay... pero vi-videohan ko sana yung poon namin... eh kaso nag-lowbat! edi bumalik ako sa bahay para icharge yung batt ng videocam kahit five minutes lang... tapos hinabol ko na yung prusisyon, eh nasa bandang unahan yung poon namin...eh tapos sinundan nga pala ako ng mommy ko, pero iniwan ko sya kasi kelangan ngang tumakbo para mahabol ko,... ...so ang layo na pala ng narating ko... nung nakunan ko na yung gusto ko, bumalik na lang ako pauwi instead na sumabay sa prusisyon... hindi ko na nahanap yung mommy ko... at na-realize ko....WTF?! SYET! NALILIGAW AKO!!!

picture this: 7:30pm, nasa probinsya kang first time mo pa lang nalibot... tapos ang dami pang stories dun ng mga engkanto.... di shempre kinakabahan nako... naaalala ko pa naman kung ilang liko, kung kaliwa o kanan... ang kaso hindi ako sigurado kung lumampas na ako o kung malayo pa... buti na lang nasabi sakin ng daddy ko yung name ng kamag-anak namin na may-ari ng house na tinuluyan namin... at buti alam ng mga pinagtanungan ko yung bahay na yun.... lumampas na pala ako, di ko napansin yung street na dapat lilikuan ko...

pag-uwi ko, sinermunan ako ng daddy ko... tapos dumating yung tito ko, iniwan pala niya prusisyon para hanapin ako, at shempre lalo akong nasabon... pati pala pinsan ko at yung insan nya, hinanap ako, pinahanap ako ng mommy ko... at ang tigas pa talaga ng mukha ko para magsabing, "HINDI NAMAN AKO NAWALA EH! tingnan nyo, nakauwi naman ako diba? ANONG AKALA NYO SA'KIN, PUSA?!" haha, palusot... harhar yan... gulo na naman ang ginawa ko...

AH, NASABI KO NA BANG TINATAMAD AKONG MAGKUWENTO?!

Saturday, March 25, 2006

officially, graduate na'ko sa high school. "AT LONG LAST!" or "TOO SOON?!"
Hehe, patugtugin ba naman yung NARDA sa multinasium after nung graduation...?! Iyakan blues, biglang nag-slamman. Adik talaga batch namin. Haha! 'Stig.