Sunday, February 26, 2006

LCCD Jam!!! waaaaahhh!!!

SOAPDISH

haha!!! ang kulit-kulit ni Jeff! patawa! nagpopose pa sya... hehe... uy NAHALIKAN KO SYA!!! NAPUNASAN KO PA PAWIS NYA!!! ang gulo nga namin eh... kakapalan nga naman ng mukha namin...buti na lang 4th year na kami kaya ang kapal na ng mukha namin para pumasok sa harang at umakyat sa stage! as in nagpapa-pic kami habang tumutugtog sila! hehe... worth it naman...ang saya-saya ko ngayon!

nakapagpa-pic din kami kay Cesar! sinubukan kong halikan kaso ewan, hindi umabot sa pisngi nya, bandang tenga lang, ni hindi pa yata masyadong dumampi... pero grabe, ANG BANGO-BANGO NYA! as in! fafable! actually lahat sila!

kaso kaasar...umalis agad sila… hindi tuloy ako nakapagpa-sign ng cd!

pero okay na rin... alam nyo bang pag-alis nila ng stage, agawan kami dun sa mga bote ng mineral water! at syempre ako yung nakakuha nung kay Jeff! sabi nga nung iba, "painom!" hehe, edi syempre ininggit ko sila at ako yung uminom..hehe...


MAHAL KO NA SI CESAR AT JEFF!!!



MOJOFLY

ang gwapo
ni Ali! Ang gwapo ni Ricci! Ang ganda-ganda ni Lougee (kaso nakaka-TO yung tattoo nya sa likod, ang laki..)! grabe talaga, crush ko na hindi lang si Ali at Ricci, pati na si Lougee! Hehe!

tapos nung uwian na, niyaya ko si Sheena na bumalik kasama sina Pam, Donna, Macam… pumunta kami sa parking… nagpa-sign kami kay Ali! Grabe ang bait nya! Pinisil pa nga ni Sheena yung ilong nya, ang tangos kasi… Kaso, sa aming lahat, ako yung hindi nakahalik sa kanya! Pano nung sinabi kong “ako naman po,” ang hina.. yun tuloy di na ako narinig…

Nakita din namin si Lougee, sa car nya, sya nagda-drive… wala lang… bait din nya… hehe



Grabe, 2:25 a.m. na, di pa rin ako inaantok! Di na ‘ko makakatulog nito!

Addiction na naman ito!!!

Sunday, February 12, 2006

PUPIL (noun) - the opening in the middle of the iris

waaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!! napanood ko ang PUPIL sa gig nila kanina sa robinsons novaliches!!!!!!! OMG, OMG!!!!!!!!!!! ang gwapo ni ELY BUENDIA at ni YAN YUZON!!!!!!!!!!!!!!!! ang astig nilang lahat!!!! haha, ELY BUENDIA, SINASAMBA KITA!!!!! ikaw ang DIYOS NG MUSIKA!!!!

Thursday, February 02, 2006

DARNA!!!

adek na'ko! six times ko 'tong narinig sa radio kahapon...




Narda
Kamikazee

Tila ibon kung lumipad, sumabay sa hangin ako’y napatingin
Sa dalagang nababalot ng hiwaga.
Mapapansin kaya sa dami ng ‘yong ginagawa
Kung kaagaw ko ang lahat, may pag-asa bang makilala ka?

Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan,
Pag-ibig na palaisipan sa kanta na lang idaraan
Nag-aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang Darna

Ang swerte nga nman ni Ding, lagi ka niyang kapiling
Kung ako sa kanya, niligawan na kita
Mapapansin kaya sa dami ng ‘yong ginagawa
Kung kaagaw ko ang lahat, may pag-asa bang makilala ka?

Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan,
Pag-ibig na palaisipan sa kanta na lang idaraan
Nag-aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang Darna


Tumalon kaya ako sa bangin, para lang iyong sagipin
Ito ang tanging paraan para mayakap ka
Darating kaya sa dami ng ginagawa
Kung kaagaw ko sila, paano na kaya?

Awit na nananawagan, baka sakaling napakikinggan,
Pag-ibig na palaisipan sa kanta na lang idaraan
Nag-aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang Darna


Nag-aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala, kahit sulyap lang Darna.