Thursday, June 30, 2005

halalan

talo ako. T-A-L-O. oo na, katawa-tawa. pero hindi ko pa rin pinagsisisihang tumakbo ako. dahil napakagandang experience noon. marami akong nagawa na hindi ko dati nagagawa. kumausap ng ibang taong di ko kakilala. magpaka-feeling close (in a good way). at nagkaron ako ng mga bagong kaibigan. i even did things which were not expected of me (ang magsalita sa harap ng buong laco!). definitely di ko malilimutan ito.

hindi ako nanghihinayang sa pagod, puyat, oras, at sa kahihiyan ng pagsasayaw ng bop it (imagine!). hahah. ang sayang nga lang eh yung gastos, dahil yung savings ko for 3 weeks ay naubos. pero worth it naman in a way, dahil nanalo sina matthew at millay. mula naman kasi sa umpisa, nang malaman ko kung sino ang kalaban ko (di ko na babanggitin kung sino), alam ko nang talo ako. pinanindigan ko na lang din. ibinuhos ko ang lahat para na rin sa kanilang dalawa.

mas lalo akong hindi nagsisisi dahil may bago akong natutunan sa buhay. ANG LUMABAN KAHIT NA ALAM MONG TALO KA NA. lagi ko 'tong naririnig, pero 'di ko iniintindi. ngayon ko lang talaga ito lubusang natutunan. at least nga naman, natalo ako nang lumalaban. kinareer ko nga eh. at least, nung natalo ako kanina, walang "what if's" na naglalaro sa isip ko. hindi ko iisipin na pano kaya kung itinodo ko ang lahat.

tama naman ako, 'di ba?! kaya ang masasabi ko, kahit talo ako, ASTIG PA RIN AKO!!!

mich\m/

Wednesday, June 29, 2005

meeting de avance

yung dapat na speech ko, kaninang madaling araw ko lang din ginawa. napakaiksi pa. pero nung mismong meeting de avance na... maraming nangyaring di inaasahan. kahit si mamatt nga nakabuo ng napakahaba at nakakapangunsensyang sasabihin. yung mga elementary kasi, puro C.H.A.R.L.E.Y. ang sinisigaw.

kaya ayun... when our party started out with a passage from the Bible, naiyak ako. yung mga kapartido ko naman, naiyak din! tapos nung tapos na akong umiyak, sila umiiyak pa rin! hehe!

kaya habang naghihintay na matapos ang kabila, tambay muna sa 3rd floor at sa library. at nakabuo ako ng mas matino at mas may sense na sasabihin...


"Una, gusto kong magpasalamat sa mga buong-buong sumusuporta sa party namin, ang A.S.T.I.G. Party. ASTIG KAYO!!! \m/ [==> with matching "rock on!" gesture. hehe]

Consolinian kayo. Consolinian tayo. MAY ISIP TAYO. sana hindi tayo basta-bastang nagpapadala sa mga...pang-uuto, sabi-sabi, at sa mga ipinamimigay at ipinapaskil. Sana isipin natin na ang pagiging CSG officer ay hindi sa pasikatan, pagandahan, payamanan, o patagalan sa posisyon
[==> ang original ko sanang sasabihin ay "yung mga inaamag na sa elections at sa CSG," buti na lang napigilan ako ni arra. at buti na lang napigilan ko ang sarili ko.].

Sana sa pagboto natin, isipin natin kung ang iboboto ba natin ay yung tunay na mamahalin ang katungkulan at trabaho nila, at hindi yung mga gagamitin ang pagkapanalo nila BILANG DEKORASYON LAMANG.


CONSOLINIAN, MAG-ISIP PO TAYO. Salamat po."


after 10 minutes, naginginig pa rin kamay ko! grabe talaga! kahit hanggang pag-uwi ko, hindi ako makapaniwalang nagawa at nasabi ko yun! ni hindi nga ako nautal! at sa harap pa yun ng buong laco ha!

mich=) \m/

ASTIG

manalo, matalo, lalaban ako. pinasok ko 'to, nararapat lang na tapusin at panindigan ko.

Saturday, June 25, 2005

A.S.T.I.G.

Asosasyon ng mga
'Studyanteng
Tunay na
Ihahalal sa
Gobyerno
\m/

Thursday, June 23, 2005

CSG

since huling taon ko na ito sa laco at kailangang-kailangan ko ang tokwang grade sa extra curricular na sumisira ng lahat ng pinaghirapan ko para sa academic grades ko, napagtripan kong tumakbo sa CSG bilang HS peace officer. pasaway.

ano na naman itong papasukin mo michelle?

Saturday, June 18, 2005

Kuarto

Sugarfree

Maglilinis ako ng aking kwarto
Na punong puno ng galit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban
Mga liham ng linihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan dahan kong inipon

Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon, mula ngayon..

May jacket mong nabubulok sa sulok
Inaalikabok na sa lungkot
May panyong ilang ulit nang niluhaan
Isang patak sa baway beses na
Tayoy nasaktan

Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon, mula ngayon..

Alaala ng lumuluhang kahapon
Dahan dahan ko na ring kinakahon
Natagpuan ko na ang tunay na ligaya
Lumabas ako ng kwarto't naron sya

Magpapaalam na sa'yo ang aking kwarto
woohoo! sarap ng tulog ko! todo bawi talaga sa lahat ng pagpupuyat sa buong linggong ito. 5pm-7am. 14 hours. kaya nyo yun? hehe.


*SC sa bulaga*
hehe.. nung nasa bulaga sila, tawag at txt sakin yung ibang friends ko. haha. alam nilang ako'y adik.


at last napanood ko na uli ang sc nang live sa tv, na-miss ko kasi yung sa asap (kaya natuto ako kanina, hindi ko na nililipat yung channel). nakita ko na rin uli ang kontrobersyal na bagong haircut ni yael.

kakatuwa talaga kanina. halatang kulang sa practice. si yael lang nakakanta ng untitled, halos hindi kumanta si ebe, champ, at kitchie. pinalakpakan na lang sya nila ebe. kahit di nya masyadong alam yung lyrics, go pa rin!! tapos bago mag-commercial, nagpa-cute pa si yael sa cam! hehe.. kaso mommy ko forever comment na naman. hindi naman daw gwapo ang sc! e di todo pagtatanggol ako. hindi talaga nya magugustuhan ang sc, kahit yung mismong banda man lang. sigh.

Thursday, June 16, 2005

umuwi ka na baby........ wham!

nako isa pa 'to..this band reminds me of "the dawn".. ewan kung bakit.

Hanggang Kailan
Orange and
Lemons


Labis na naiinip
Nababagot sa bawat saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman akong magawa

Umuwi ka na baby
Di na ako sanay ng wala ka
Mahirap ang mag-isa
At sa gabi'y hinahanap hanap kita

Hanggang kailan ako maghihintay
Na makasama kang muli
Sa buhay kong puno ng
Paghihirap
At tanging ikaw lang ang
Pumapawi sa mga luha
Naglalagay ng ngiti sa mga labi

Di mapigilang mag-isip
O baka sa tagal
Mahulog ang loob mo sa iba
Nakaka balisa
Knock on wood wag naman sana

Kung Wala Ka

Hale

Natapos na ang lahat
Nandito pa rin ako
Hetong nakatulala
Sa mundo

Sa mundo

Hindi mo maiisip
Hindi mo makikita
Ang mga pangarap ko
Para sa iyo
Para sa iyo


Oh...Hindi ko maisip
Kung wala ka
Oh...Sa buhay ko

Nariyan ka pa ba
Hindi ka na matanaw
Kung merong madaraanang
Pasulong

Pasulong

Sundan mo ang paghimig na lulan
Na aking pinagtatanto
Sundan mo ang paghimig ko

Wednesday, June 15, 2005

the day you said goodnight

for the past week, wala na akong ibang kinakanta kundi ito na lang. LSS nako dito. LSS din dito last week sina Ferdz at Millay. ako, hanggang ngayon pa rin. nahawahan ko na nga yung seatmate kong si EJ eh. he was singing this the whole day.

simula nga rin pala nang bumili ako ng cd ng hale, album na lang nila lagi ang pinakikinggan ko (lalo na pag nagi-internet). ang tagal ko na ngang di napapakinggan yung album ng sponge cola dahil dito eh.



The Day You Said Goodnight
Hale


Take me as you are,
push me off the road,
the sadness,
I need this time to be with you
I'm freezing in the sun;
I'm burning in the rain
The silence;
I'm screaming, calling out your name.

And I do reside in your light
Put out the fire with me and find
Yeah you'll lose the side of your circles
That's what I'll do if we say goodbye.

To be is all I gotta be
And all that I see
and all that I need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight.

The calmness in your face
That I see through the night
The warmth of your light is pressing unto us
You didn't ask me why
I never would have known
oblivion is falling down.

And I do reside in your light
Put out the fire with me and find
Yeah you'll lose the side of your circles
That's what I'll do if we say goodbye.

To be is all I gotta be
And all that I see
and all that I need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight.

If you could only know me
like your prayers at night
Then everything between you and me
will be all right.

To be is all I gotta be
And all that I see
and all that I need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight.

She's already taken,
she's already taken
She's already taken me
She's already taken,
she's already taken
She's already taken me.

The day you said goodnight.
first day kanina (o "kahapon" na ba? ) ng regular classes. umpisa na ng kalbaryo!!!!!!!!!! gusto ko nang magising sa bangungot na ito! pero ayokong gumising mamayang umaga. gusto kong matulog nang matulog!

Monday, June 13, 2005

sponge cola sa asap

nakakaasar!!!!!!!! hindi ko napanood. nalingat lang ako sandali, may pinapanood kasi akong iba... naghintay pa naman ako hanggang 3pm, yun pala bandang 1pm dawkumanta na sila (according to erika). mahigit isang linggo ko pa man din hinintay yun. grrrr....sayang talaga. pero nung umpisa, nakita ko nga si chris nung inintroduce lahat ng bands... hindi ko nga lang napansin sina yael, gosh, at armo. pwede na rin. balita ko binalahura naman ni iya at nikki yung klsp, so buti na lang pala di ko napanood kundi sinumpa ko na silang dalawa.


mich=)

Sunday, June 12, 2005

Independence Day!!!

Hallelujah
Bamboo

Anong balita sa radyo at tv?
Ganun parin kumakapa sa dilim
Minsan naisip ko nang umalis nalang dito
Kalimutan ang lahat, lumipad, lumayo, oh

Bato bato sa langit, ang tamaan huwag magalit
Alam naman natin kung sino ang tuso
Sa bawat sumpang umiiyak, singil ko ay piso
Sa bawat lumuluhang dukha, alay ko'y dugo

May kasama ka kapatid, kaibigan
Hanggat ako'y humihinga
May pag-asa pa..

Ohhh...
Halleluuu, hallelujaaah
Sinong sawa, sinong galit
Sumigaw ngayong gabi
Halleluuu, hallelujaah
Hale-hehe-e

Run the blood of mine to convey
To see this faces in front of me.
Yes we have, and we begin we are the scars from within
Im ashamed of what i become in the mirror,
The face of my one true enemy!!!

Hallelujah! some music!
Let's take control!!!
If i have to take this message door to door
See myself in every soul!!!
With the mission
I'll make this my personal mission!!!

Save me from the fire, from the fire,
Save me from the fire!!!

Ngayong gabi
Ako ang sundalo mo
Habang ika'y tulog
Ako'y gising nakabantay sa iyo,
Kasi mahal kita, kita mo,
Pag-ibig ko sayo lamang...

May kasama ka kapatid, kaibigan
Hanggat ako'y humihinga
May pag-asa pa..

Ohhh...
Halleeluuu, hallelujaaah
Sinong sawa, sinong galit
Sumigaw ngayong gabi
Haleluu, hallelujaah

Wednesday, June 08, 2005

nakakaasar..

wala.. nakakaasar kasi.. 5p.m. na ang dismissal time namin araw-araw. pano kaya pag may CAT pa? nako.. patay-patay na tayo.. laga nga ako e.. 4:45am ang gising ko dahil 5:30a.m. pa lang sinusundo na'ko ng service, tapos ang dating ko sa bahay mga 30 mins-1 hour after dismissal. e di 13 hours sa araw-araw ang nakalaan para sa school?? nako naman. grrr..

ang isa pang nakakaasar, nakakahalata ako ha.. bakit parang pinaglalayo talaga nila yung olc at olgc? hiwalay na nga ng floor yung classroom, tapos magkaiba pa yung sked ng recess sa umaga pati pag lunch.. pag uwian naman di na makakatambay. tsk, tsk. tanging konsolasyon na nga lang na magkasabay yung 20-minute recess namin sa hapon. tamang-tama talaga. our lady of consolation. la consolacion. puro sakit ng ulo, hanggang konsolasyon na lang. heh.

tapos pa, yung teachers.. 5 out of 9 teachers ay bago sa school.. tapos sa sa 9 na yun, 2 pa lang talaga yung nagiging teachers namin. so panibagong pag-aadjust na naman ito. takte. makikilala na namin sila bukas. bahala na lang.

mich#-o

Monday, June 06, 2005

first day of school..handa ka na ba? badtrip...walang nag-rexona

usapan namin ni arratots sa chat a while ago.. sa mga nakakakilala kay ma'am payumo, ma'am boni, at ma'am ccc...shhhh..quiet lang kayo ha..hehe..

Arra: hi classmate!
Mich : hi friend!
Arra: stah na?..tagal natin di nagkita ah!
Mich : oo nga e.. 6....years?
Mich : hours pala..
Mich : hehe
Arra: hehehe..may nahanap ka na ba?
Arra: ang aga2 assignment agad!
Mich : wala nga e.. ang dami nito e
Arra: para kasing joke..
Mich : di ko mahanap yung s olc
Arra: ang boring tuloy sa section natin..
Mich : http://www.catholic-forum.com/saints/saintbvm.htm
Mich : dyan ko hinahanap
Arra: mewon jan?
Arra: oti..thanks..
Mich : lumabas sa yahoo search.. pero di ko mahanap kung san ung olc
Arra: sa yahoo! kasi ako naghahanap eh..
Arra: ang dami nito..
Arra: aanhin niya kaya 'toh?
Mich : wala pala. yung araw lang ng feast yung nakalagay, walang info.
Mich : burat.
Arra: kasi naman..aanhin ba ni mrs.payuma 'toh?
Arra: tama ba?
Arra: parang mali..
Mich : tama
Mich : wala lang
Mich : trip

Mich : pasikat
Arra: payuma ba o payumo?
Arra: para kasing joke eh..
Arra: parang joke..eh ang kulang na lang sakin kanina,..matulog..
Mich : di nya alam gets na natin na xa ay mam secillano jr.
Mich :
Arra: hehehehe...
Arra: o0 nga!
Arra:
Mich :
Mich :
Arra: jus ko!..
Arra: tapos,eko agad unang subject natin...
Arra: ui..
Arra: dud nwes...
Arra: news..
Mich : wut?
Arra: di daw si mam ccc teacher natin sa eng.IV..
Arra: hindi eh
Arra: si mam bonifacio daw eng. teacher natin..
Mich : oo nga.
Mich : yun nman talaga subj nya e
Mich : between mrs boni ang mam ccc, parang mas type ko si mam ccc
Arra: ai naku!
Mich : kahit terror, at least gamay na natin
Mich : hindi itong maga-adjust nanaman sa bagong pakikisamahan
Arra: in a way,..o0..pero sa mga kwento sakin ni nerie,..mas trip ko si booni..
Mich : ganon?
Mich : bait daw a?
Mich : ba?
Arra: o0..
Arra: kikay daw..
Mich : ganun.. saya
Mich : aliw
Mich : oi eto
Mich : http://www.olcshrine.com/history.html
Mich : copy + paste na lang.. hehe
Arra: tnx!..
Arra: oit..sawi ka ba huh??
Arra: nu yung nasa blog mo??!!!
Arra: uuyyyyyy
Arra:
Mich : hmm.. basahin na lang.. hehe
Mich : yun kc goal ko bago magpasukan.
Mich : makapagpost ng makasaysayang nobela
Arra: kanino ka naman aasa?
Mich : hehe.
Arra: kanino ka aasa?
Arra: lam mo girl,..
Arra: hindi kailangan umasa ng babae sa guy..
Arra: we don't actually need them..
Arra: they need us!
Mich : may sinabi ba kong sa lalaki ako umaasa?
Mich : o na about love yun?
Arra: sakit kasi sa ulo dulot nila sa kokote ng mga babae//
Mich : hehe
Arra: hehehe
Mich : doctor love..
Arra: xempre,..parang ganun..
Mich : based from experience
Arra: nadala tuloy ako..
Arra: hehehe
Arra: sort of!..hehehe
Mich : w8.. nagiipon akong tubig...
Mich : brb
Mich : okie
Mich : im back.. hehe
Arra: sana mabasa to ng lahat ng s2...
Arra: yun din gusto namin ni donna eh..
Arra: mabuo ulit tayo..
Mich : nabasa na ni lois, pam, dian
Arra: sana mabuo ulit tayo..
Mich : basahin mo pa yung blog ni millay
Arra: yun na siguri and BEST grad. gift na magkakaron ako..
Mich : http://camillay.blogspot.com
Mich : ako rin.. :'(
Arra: thakns..
Arra: thanks..
Arra: hay naku..
Arra: anu ba kasi nangyrai eh..
Mich : nagka-op-han
Mich : nagkayayaan
Mich : nagkaron ng bagong barkada
Arra: yun nga eh..
Mich :
Arra: hay naku..
Arra: miss ko na talaga yung ingay,lakas ng tawanan,gulo,patintero,see saw!!!
Mich : ...
Mich :
Arra:
Mich :
Arra: ai..mitch..asan dito?..
Arra: 'tong buong page?
Mich : yung history.. hindi naman totally about olc.. tungkol din s church.. pero pwede na
Arra: otei..
Arra: thanks..
Arra: copy paste ko na lang..
Arra: muntik na ko maiyak dito ah!
Mich : hehe.. kht ako ung sinulat ko.. at nung nabasa ko din ung ky millay
Arra: sa pix ako na-touch..
Arra: toto0 naman eh,..kumpleto nga,di naman magkakasama..
Arra: kaya ayoko ng shota eh!
Mich : ganun..
Arra: sakit sa ulo!
Arra: busat!
Mich :
Arra: o0..
Arra: waaaaaaa!!!!

Saturday, June 04, 2005

S2C2

6/1/05
11:20 a.m.

eto muna ang kacornihan ko..

S2C2
>barkadang binubuo ng 19 katao
>nabuo sa silid-aralang II-St. Thomas of Villanova
>ang maysala nito ay ang Credit Union subject ni Ms. Secillano
>astig na barkadahan
>minsan nang kinatakutan
>pag inaway mo’ko, pusta, resbakan..joke.



sige na.. seryoso na…
Shuvaroo Shishininishishi Clan Chacha…

Yan ang barkada ko! Pero ano nga ba ang ibig sabihin nito? “Chacha” =nickname ni Sheena Su… “Shuvaroo” =ang alam ko, it means “walang kwenta.” Definitely hindi walang kwenta ang barkadang ito. Magkakamatayan tayo.

Ano ang ibig sabihin ng Shishininishishi? Ewan ko. Hindi ko alam. Tulad ng sitwasyon naming ngayon. Hindi ko alam. Buo pa nga ba ang s2c2?

---------------------------------------------------

Meron pang s2c2. Pero wala na ANG s2c2. Gets? Meron pa. nandyan pa yung karamihan ng III-St. Clare at yung ibang St. Rita na s2. Pero wala na ang dating s2. Yung s2 na masaya. Yung s2 na maingay. Yung s2 na ang daming pakulo. Yung s2 na halos isang klase na sa dami.

S2 pa naman kami eh. Pero siguro sa pangalan na lang sa ngayon. Minsan, punta sa open forum, o kaya sa school activities magkakasama kami. Yung tipong, “Oi, s2 ako.” Pero maya-maya iba naman yung kasamang barkada.

---------------------------------------------------

Siguro hindi naman s2 sa pangalan lang. Pati na rin sa puso. Pero ang puso hanggang damdamin lang. Walang nangyayari hanggang hindi inaaksyunan. S2c2 sa puso. Yun na. miss na miss mo na sila, pero wala ka namang ginagawa. Gusto mo silang makasama, pero wala ka nang oras para pagtuunan ng pansin pa. Gusto mo nang matatakbo sa piling nila, pero ano? Nandun ka sa piling ng iba mo pang barkada.

---------------------------------------------------

Siguro, iisipin mo, ang kapal ng mukha kong manumbat. Ako mismo sumama na sa ibang barkada (“kami” pala). At wala rin akong ginagawa. O nagagawa.

Nasa kanila pa rin ako dahil…dahil…ewan. Mahal ko sila, pero minsan parang gusto kong magalit sa kanila, kung bakit hindi ko sila maiwan. Siguro nga dahil kaibigan ko din sila. Walang iwanan. Kailangan nila kami, at kailangang magsakripisyo.

Ang sitwasyon ko ngayon ay parang…alam nyo yung ”The One You Love” ni Glenn Frey. Remember? Yung hinihirit natin noon pag may inaasar tayong …”love team”? (Hindi kasi alam nung iba sa’tin yung title at lyrics, hanggang intro lang naman yung hinihirit natin eh). Eto yung chorus nya: (ok, corny!!!!) “Are you gonna stay with the one who loves you, or are you going back to the one you love? Someone’s gonna cry when they know they’ve lost you, and someone’s gonna thank the stars above.” Natatakot ako na masaktan sila. Natatakot din ako na baka pagbalik naming sa inyo, baka magalit pa kayo sa mga stars na ‘yon, dahil sa dami ng pagbabago.


-----------------------------------------------

Ok. Wag na nating isipin “ako.” “Tayo” naman. Pano na? Hoy!!Guyz ano ba?? Tokwa! Isang taon na lang ‘to eh. Wala pa bang mangyayari? Nararapat pa nga bang umasa?

Malabo na nga talaga. Minsan, naiisip ko, pinaka-todo natin yung sisi kay Ma’am Quijano. Parang gusto nating magmaang-maangan sa mga pagkukulang natin. “Eh kasi naman siya yung naghati nang hating-hati sa section ng s2.” Eh ano ngayon? Bakit yung Anime girls, Gilid boys, TNT, U-10…diba nagsimula silang hiwa-hiwalay ng section? Kung totoo ang pagkakaibigan, ba’t tayo, hindi ba natin kaya?

Ok. Alam kong maraming problema. At marami na rin akong hindi alam. Minsan nagiging tanga. O kaya nagtatanga-tangahan na lang sa mga pangayayri para hindi masaktan. Pero pwede pa naman siguro nating ma-solutionan, diba?

----------------------------------------------

So ano? Tuwing February 12 na lang ba tayo magiging kumpleto at magkakasama-sama? Feb12 na hindi pa sinisiputan at pino-postpone pa ang celebration at may mga nagrereklamo pang mga syota? Kayo bahala. Ako bahala. BAHALA NA.


12:30 p.m.
/mich=’(


Image hosted by Photobucket.com
feb12,2004...mauulit pa kaya 'to?

Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com
feb12,2005...may banner nga, hindi naman kumpleto.

-----------------------------------------------
******* Anniversary ng s2 ang July 18. At “S2C2 Day” naman pag February 12. Mga masasayang araw. Ang anniversary ko naman nang nakasama ko kayo ay December 1.
First anniversary ko nung field trip natin. Alam kong hindi tayo magkakasama-sama lahat sa araw na ‘yon, pero yun pa rin yung pinaka-hihiling kong regalo para sa okasyon na ‘yon. November 31, wala si Millay at Ferdz, at pinatawag sila Jewel at Clair sa CO. So nag-iisa ako, pinuntahan ko kayo sa covered walk. Labinlimang minuto, nakasama ko kayo. Maikling panahon. Pero ang alam nyo, ang saya-saya ko na non.*******

mich=')