Saturday, November 26, 2005

EK field trip...

woohoo! the best... mas enjoy ngayon kesa nung unang punta ko... compared kasi sa noon, mas grabe yung mga sinakyan namin kahapon...


ANCHORS AWAY
ganito ang sigaw ko kahapon: "waahh!!!!!!!!!!! ayoko na!!!!! ibaba nyo 'ko dito!!!! shet kayo!!!!" o diba?! sabi nga ni millay para na nga daw akong bangag sa kasisigaw, kala nya magbe-break down na'ko... (resulta: paos ako ngayon. as in P-A-O-S. actually kagabi pa, pagkauwi ko...)
nakakagago nga lang yung ibang kasabay ko... yung katabi kong si matthew, tawa nang tawa... pagdilat ko sa kabilang dulo, todo ngiti naman sina sir chua at sir damonsong... kaw ba naman, halos himatayin na sa pagsigaw, tapos kita mo yung mga kasama mo ang saya-saya pa...


NAUNSYAMING SPACE SHUTTLE
dahil biglang lumakas loob ni millay sa anchors away, aba nag-aya sa space shuttle ang loka... ako naman pagtingin ko dun sa taas, "huh? saan... dyan?! uh... sigurado ka?" pero syempre wala na'kong magawa... kesa naman maiwan akong mag-isa sa baba... for the experience nga naman... after 20mins ng pagpila nagbackout na sya... kaya kami naman ni ferdie, "talaga?! salamat!!!!" pero si clair at paul nagpaiwan... tumuloy pa rin... their love is strong talaga... hehe...

kaya ayun, chumicha na lang kami sa hotdog stand ng TJ... tapos naglakad-lakad at napadaan sa........


FLYING FIESTA
eto na naman ang duwag mong lola... pero grabe, ang saya pala... feeling ko pa nga superhero akong lumilipad... hehe... kaso habang feel na feel ko na eh si ferdie tawag nang tawag sa pangalan ko... yun lang yung moment na kinabahan ako... tapos si millay nakisama pa... kaasar tuloy...


WHEEL OF FATE
dahil sa sobrang saya, nung nakita namin sina lois na nakapila sa ferris wheel, hindi ko namalayan na kami ay sumingit na pala sa pila... syempre kinakabahan na naman ako pagtingin ko kung gano kataas... pero dahil dahan-dahan naman sya at hindi mo mamamalayan na nandun na pala kayo sa tuktok, hindi naman pala nakakatakot... nung unang ikot, medyo... pero nung mga sunod na ikot na, ang saya! that was the best ride ever! lalo pa mga 7pm na yun... kitang-kita mo buong EK mula sa taas... sa sobrang saya nagpicturan at nagvideo pa nga kami eh... mas malala eh nagpulbos at nag-alcohol pa kami sa taas...


RIO GRANDE RAPIDS
pagkababa namin, nakita namin na ang iksi na ng pila... so takbo na kami... sakto lang kasi after 5mins hindi na tumanggap sa pila... ayun! yun kasi ang gusto kong mapuntahang ride kasi...wala lang... ang saya... nakakatawa lang si ferdie yung basang-basa, as in from head to foot... eh grabe pa naman ang mga reaksyon nun... ako naman, kalahati ng katawan ko sa kanang bahagi eh basa, pero yung kaliwa, tuyo... o diba... at dahil sakto 8pm na, hindi nako nakapagpalit... nagtyaga na lang ako hanggang pag-uwi...



so, yun ang mga pangyayari... may mga hindi pa ako naikwento dahil nakakatamad na...
i'll be posting the pics soon... di pa kasi napapa-develop...


oh, wait. did i mention na ang bus na sinakyan namin ay binabalot ng ad ng......JEWEL IN THE PALACE?! eek!!!


Thursday, November 24, 2005

field trip na bukas!

excited na 'ko!!! EK, here we cum!!! oops... COME pala... hehe