Wednesday, August 31, 2005

harana sa buwan ng wikah

medyo katanggap-tanggap naman ang pagkakalat namin kanina sa stage... ang hindi katanggap-tanggap eh yung pinagawa ni mam payumo samin ni matt! akalain mo ba naman, habang tumutugtog yung "pers lab" eh nag-slowmo kaming nagtagpo sa sa gitna ng stage! harap talaga ng lahat ah! hindi naman ganun kalakas ang loob ko at kakapal ang mukha ko! tapos kung anu-anong ginagawa naming kahihiyan...habang yung iba eh normal ang pagsasayaw! syet!! sira na reputasyon ko! hindi ko na talaga maharap mukha ko sa ibang tao! lalo na sa teachers... saka sa...sa... SA LAHAT! p*cha... pakshet talaga!

Sunday, August 14, 2005

mahirap mawalan ng mahal sa buhay...

kung may mahal kayong maysakit, may karamdaman, ngayon din, dalawin nyo na. puntahan nyo, kausapin nyo. wag nyo nang ipagpabukas pa. GAGO, baka magsisi ka.

...

wala na. patay na si ninang. bakit kasi hindi kami tumuloy sa pagbisita kahapon? wala na...hindi na maibabalik ang panahon.

Friday, August 12, 2005

buhay ng tao

bakit ganon ang buhay?

bakit ganon ang Diyos?

Sunday, August 07, 2005

uber.

ang dali ng UPCAT!

ang daling IBAGSAK!!!


hehe... ang ganda ng LSS ko kanina habang nag-eexam...
"please don't touch my birdie...."

Saturday, August 06, 2005

UPCAT na bukas!!!!

waahh!! sana umabot akong buhay sa lunes!!

Thursday, August 04, 2005

UPCAT

sana pumasa ako... though di naman talaga ako mag-aaral sa UP, may gusto lang akong patunayan... tsaka sayang yung pakikipag-away ko sa daddy at mommy ko para lang payagan akong mag-take ng UPCAT! kelangang panindigan ko 'to... kaya.......... byebye! mag-rereview na'ko! ;b

Monday, August 01, 2005

too much humiliation for one day...

UNA:
play sa PEHM. lola ang role ko. e parang dysfunctional family...so pinangatawanan ko na... pinagtripan namin ang costume ko. lumang palda, tapos imbes na palda, sinuot ko nang parang tube...pero pinatong ko naman sa uniform ko so nothing was revealed...hehe ;b though kahiya-hiya parin eh... oh, well... for the spirit of fun...

PANGALAWA:
Iliad: Farewell Between Hector and Andromache
compared sa huling play namin sa english, mas matino yung kanina...simple pero pinaghandaan namin, at napagplanuhan at napagpraktisan kahit paano... may costume at props, kahit improvised yung armor, helmet at wig...

ako ang Hector, tapos yung classmate kong lalaki ang Andromache. costume ko: fatigue ng CAT at black t-shirt, armor na gawa sa karton ng matador brandy, at "helmet" na gawa sa illustration board na nilagyan ng feather ng manok sa taas (take note pa-square ang helmet...robot?!)...

eto ang nakakainit ng ulo...
"o sige...panindigan...kaya yan!!!" pano buong akala ko kami-kami lang magkakaklase ang manonood... tanggap na nila ang pagiging loka-loka ko... kaso, manonood din pala yung kabilang section!!! pati yung filipino teacher namin, makikinood... 'takteng buhay, oo... e di sige.... go na lang... ang nakakaasar dito, madadala na sana ng mismong scenes at ng music yung kapangitan ng costume namin... ang kaso? hindi marinig!!! alam mo kung bakit?!? ang ingay ng OLGC!!! kaya tuloy ang hiyang-hiya kaming lahat, ang labas kasi nagkalat kami... pro hindi naman talaga ganun dapat eh...

tapos nung tapos na yung time na nung filipino nila, lumayas na sila... ibang group na noon ang nagpeprform... anong pinagbago? KATAHIMIKAN. ang tahimik ng OLC eh.... rinig yung lines ng kabilang group... naiintindihan lahat... mas naaapreciate din ng teacher...

kaasar...makikinood na lang eh, sinira pa yung play namin... ngayon KAMI pa yung hiyang-hiya sa kanila dahil ang "pangit" ng play namin. TOKWA.